top of page

WE DESERVE SUNSHINE EPISODE 05: Liham para sa mga Taong Nagbigay-daan

  • Writer: The Communicator
    The Communicator
  • 6 days ago
  • 1 min read

Unang-una, nais kong magpasalamat. Salamat sa inyong paninindigan, kaya mayroon kaming kalayaan: kalayaang ipahayag kung sino kami, kalayaang makipaghawak-kamay sa daan nang hindi nahihiya, at kalayaang mahalin kung sino ang isinisigaw ng aming puso nang walang katakutan. 

Kung iisipin, kayo ang nagsilbing bahaghari pagkatapos ng mahabang ulan. Bumoses kayo laban sa diskriminasyon, brutalidad, at opresyon. Nilakad ninyo ang mga lansangan para sa inyong karapatan—ating karapatan.

Ako lamang ay may katanungan: ano kaya ang inyong nararamdaman na hanggang ngayon ay may mga tao pa ring mapanghusga sa ating lipunan? Dahil wala naman tayong ginagawang masama kundi ang magmahalan. 

Ngunit kami’y hindi panghihinaan ng loob. Ipagpapatuloy namin ang inyong sinimulan. Patuloy kaming titindig at boboses para sa sangkabaklaan. Sapagkat karapat-dapat tayong tratuhin bilang pantay na mamamayan, at patuloy nating ipagsisigawan ang ating totoong kulay at nararamdaman nang walang hiya, takot, at kalungkutan.

At sana’y ang mga susunod na henerasyon ay matamasa na nang buo ang kalayaang inyong sinimulang pinanindigan. 

Article: Maui Umali

Illustration: Jin Grayce L. Hernandez


Comments


  • White Facebook Icon
  • Twitter
  • Instagram

THE COMMUNICATOR

2/F Lobby, College of Communication Bldg., NDC Compound, Anonas St., Sta. Mesa, Manila, Philippines 

PUP COC The Communicator © 2022

bottom of page