WAKASAN ANG IKOT NG TRUMPO
WAKASAN ANG IKOT NG TRUMPO
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤMapagsamantala at tuso ang nagpakita
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤimperyalistang trumpo, nais maghari at magdikta;
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤgamit ang tali, pinupulupo’t ginagapos ang soberanya
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤsa bawat hila, balak kontrolin ang takbo ng ating kapalaran
ㅤㅤㅤㅤㅤ sa bawat paghigpit, unti-unting nasasakal ang ating kalayaan.
ㅤㅤㅤnang ihagis, mula sa kamay ng mapang-angkin, nakawala ang trumpo
ㅤㅤㅤㅤsino ang nagbigay-laya sa pag-ikot ng mapaniil na kapangyarihan?
ㅤㅤㅤmga palad na dapat sanang panangga sa mga dahas na nagbabadya
ㅤㅤㅤisinantabi kanilang panata, tinalikuran at kinalimutan ang mamamayan
ㅤㅤnaging daan ng panghihimasok, interes ng mga banyaga'y pinaglilingkuran.
ㅤㅤㅤㅤsa pagkakatama ng tulis sa lupa, hindi napigil ang ikot ng trumpo
ㅤㅤㅤㅤsa bawat ikid, bitbit ang pangakong pilit ipinauunawa sa madla,
ㅤㅤㅤㅤㅤmga salitang nagkukubli sa tunay na pakay ng pagdating,
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤhabang ang lupang minana sa mga naunang salinlahi
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤunti-unting isinasadlak sa panganib ng pag-aangkin,
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤat ang sariling pinagmulan ay nalalapit
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤsa bisig ng dayuhan.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤngunit ang bawat trumpo'y
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤmay hangganan,
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ang bawat ikot
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ay matatapos.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ sa paninindigan
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ng sambayanan,
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤang tali'y hindi
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤna muling
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤmakagagapos.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤhindi
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ maipapaikot
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ng trumpo
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ang
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤsambayanang
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Pilipino,
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ni maagaw ang
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ang lupang
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ pinagyaman
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤng ating
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ mga ninuno
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ sapagkat ang
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ kalayaan at
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ lupang
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ pinagmulan
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤay hindi
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ basta-basta
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤisusuko.
Artikulo: Mhegz Zyrelle D. Capiones
Grapiks: Althea Kathlyn F. Santander





Comments