top of page
Writer's pictureThe Communicator

To the Ill-fated Souls: Part III

Nilasap na Gaspang ng Mga Labi

Sana dama nila ang kaluskos ng aking mga yapak

Pati ang kasiyahang aking dulot sa kanilang anak

Sapagkat ramdam ko pa rin ang sikip at bigat ng

mga kadena

Ang hiringgilya sa aking lalamunan, ang hapdi

ng bubog sa mata


Pagkauwi ko galing eskwela, dumiretso agad ako

sa banyo. Positive, dalawang linya, paano na

ang hinaharap ko?


By Assumpta Gonzales


Sa ilalim ng tirik na araw, walang pangambang

pumalaot si Kiko nang umahon mula sa ilalim

ang isang malaking balyena't siya’y nilamon.

Wala nang buhay nang siya'y iluwal,

napagtanto nitong hindi pala siya

ang tunay na pakay.


By Pexcel John Bacon Bereber


Sinugod ang sansinukob, pagkahulog siyang

may sinunog. Tila bulak kung dumaplis,

lumulutang nang walang ganang lumihis.


By Carey Erwin Bayno


Para sa umiibig na babaeng manananggal,

malinaw sa kan'ya na ang pag-ibig ng

napupusuan niya ay hindi niya

makakamtan kailanman.


Kaya laking gulat niya nang dumating

ang kan'yang kaarawan at inabutan siya ng

kahon ng kan'yang ina, sabay sabi,

“Kainin mo ‘tong puso ng iniibig mo

para manatili na siya sa 'yo.”


By Jessica Mae Galicto


"Tama na, nagmamakaawa ako! Saklolo, tulungan

niyo ako!", paulit-ulit na hiyaw at hagulgol ng

aking kapatid sa kaniyang silid tuwing hatinggabi.


Binisita ko ang puntod niya para hilingin na

siya'y huminto na, ngunit hindi iyon nakatutulong

sapagkat ang karumaldumal na lihim ng

nakaraan ay hindi malilimutan.


By Maria Minerva Melendres

Comments


bottom of page