top of page
Writer's pictureThe Communicator

To The Ill-Fated Souls: Part I

Namuong Paghihinagpis sa Pumatak na Luha



Nagkikinangang galak ay lapat sa kaniyang mukha

Hiniwa ng matalim na hibla, dinungisan ng pulang tinta

Itim na usok ay pumalibot nang kaniyang mahal ay pumalaot

Nilunod sa lawa ng pagdurusa, pagluluksa, takot at poot.




Lf: formal dress, L/XL (preferably white).

Susuotin po ng namayapa kong Nanay.

By Renz Gerald T. Romualdez



Bumalik sa aking alaala ang wika ng aking guro

at ang pagpataw sa akin ng suspensyon.

Napagod akong isipin ang lahat kaya ipinikit ko

ang aking mata at dinama ang aking pag-alpas.

By Jamaica Elcano






Noong bata pa ako, ang paborito kong bahagi

ng mga kaarawan ay ang larong pabitin,

dahil ako ay laging nagwawagi sa dami

ng nakukuha kong laruan at kendi.


Subalit nagbago na ako ngayon,

dahil habang nakabitin ang leeg ng

aking kapatid sa kisame, wala akong

magawa kundi matulala sa kanya.

By Shawn Pangan



Pinagbuksan si tatay na namumutla

galing hospital at lumakad sa kusina.

Napatigil sa pagtititimpla ng kape

sa hagulhol ni bunso sa telepono

"Ate, wala na si tatay"

By Julia Manzano



Comments


bottom of page