top of page

sana sa pasko, kasama rin kita

  • Writer: The Communicator
    The Communicator
  • 6 minutes ago
  • 1 min read
ree

pilitin mang maging masaya

alisin ang inggit na nararamdaman sa iba

minsan napapaisip ako...

sana sa pasko, kasama rin kita


nasa iisang hapag-kainan

kasama ang aking pamilya

habang kinukumusta nila tayo’t

ikinukuwento ang isa't isa


pagkatapos ay kakausapin ka ni papa

aayain sa inuman

pero sasawayin siya ni mama

kasi ayaw niyang malasing ka


susubukan mo na lang magligpit sa kusina

pero isa ka pa ring sasawayin ni mama

dahil ang gusto niya pala

magkasama't masaya lang tayong dalawa


kaso ang imposible pa pala nito ngayon

pareho pa kasi tayong nakatago sa kloseta

para ring regalo sa ilalim ng christmas tree

balot na balot pa


masaya pa rin naman ang pasko

kasi alam kong may “tayong dalawa”

pero sadya lang talagang may kulang

kasi hindi kita kasama


kaya kung totoo man si santa claus

gusto kong humiling sa kaniya

sana maamin na natin sa kanila

para sa susunod na pasko, kasama na kita.


Article: Earies Porcioncula

Dibuho: Nazia Ashley Gestopa


Comments


  • White Facebook Icon
  • Twitter
  • Instagram

THE COMMUNICATOR

2/F Lobby, College of Communication Bldg., NDC Compound, Anonas St., Sta. Mesa, Manila, Philippines 

PUP COC The Communicator © 2022

bottom of page