top of page
Writer's pictureCarey Erwin Bayno

Probinsyanong Gulong



Bilog sa kwaderno na ginuhit sa patlang

Nagbadyang dapat lang palitan, sapat lang na dapat pakinggan

Sa apat na gulong habang pinagmamasdan ang pag-ikot

Ng kalsadang tuwid daw ngunit lakad nama'y paatras

Huwad sa hinaharap


Sa timbangan ang salat ay nasa ibaba

Walang tumbas ang iyong bilang sa pundasyon ng lipunang masarap

Kalayaan bang sumaya kung obligadong dumapa

Pinilit na tigib ang siyang nag-lagas

Nasanay sa landas na kalsada'y sinisikot

Ang kalupitan ay isang kapus-palad na katotohanan ng pagiging tao,

Subalit lamangan ang sarili, huwag ang kapwa.


Probinsyanong taga-lungsod ang pilit na kinulong

Matapos sambitin ang hinanaing ng loob

Nang mangarap sa salamangka'y kumapit

Ninais ang kaginhawaang inisip sa loob ng trapiko


Pangarap ay lumisan;

Ang probinsyano'y nasawi

Kalayaan bang sumaya kung obligadong dumapa?




Sa panulat ni: Carey Erwin Bayno

Dibuho: Ana Mae Gonzales


Comments


bottom of page