๐๐๐ฌ๐ญ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐ง๐ข
- The Communicator
- Nov 1
- 2 min read
lubog sa putik, baon sa hukay.ย
lugmok sa utang, kabayaran ay buhay.
๐ฃ๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ฑ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ๐ฃ๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐บ-๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ช๐ญ๐บ๐ฐ๐ฏ-๐ฎ๐ช๐ญ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ข๐บ ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ช๐ต๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ?
alam ko, marahil sawang-sawa ka na sigurong marinigย
ang gasgas na linyang โto.ย
tanong na paulit-ulit na lang sinasambitย
mula bata hanggang pagtanda mo.
halintulad sa mga magsasakang sawang-sawa nang marinigย
ang pangako ng mapang-abusong sistemaโt gobyerno.ย
inugatan na lamang ang bawat pilipino,
tunay na reporma sa lupaโy hindi pa rin lumagoโt tumubo.ย
simulaโt sapul, ๐ด๐ช๐ฎ๐ถ๐ญ๐ขโ๐บ ๐ด๐ข๐ฑ๐ถ๐ญ.
bawat balang tumatanim at bumabaon
ay siyang pagdilig ng dugo sa lupang simula pa lamang ay binuwisan na ng buhay.
bawat katawang inialay at binaon sa hukay,
hinihiling na maging patabang magpapausbong sa kanilang mga palay.
ibinubuhos pa rin ang bawat butil ng pagmamahal at arugaย
upang ihain sa bayan kahit sa huling hininga.
๐ฃ๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ฑ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ช๐ญ๐บ๐ฐ๐ฏ-๐ฎ๐ช๐ญ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ข๐บ ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐บ?
buwis-buhay, ๐ฃ๐ถ๐ธ๐ช๐ด, ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ.
siklong kung ikutan ng mga magsasakaโy walang humpay.
โdi tulad ng mga marangyang pesteng ilang beses mo man puksain hindi maalis-alis,
sa tronong inuupuan at lupaing hindi naman kanila ngunit patuloy na tinutugis.
ika nga nila, kalabaw lang ang tumatanda.
daig pa ng pambansang hayopย
ang mga hayop sa bansa na walang pinagkatandaan.
ang kalabaw ay hindi naniniil ng nakikibaka,
salungat sa naghahari-hariang kung umararo ng karapatanย
at bumungkal ng buhay ay singdali ng pagkurap.
mga korap na suot ang mga sungay na panuwagย
sa mga taong umaalma at haharang sa kanilang dinaraanan.
๐ฃ๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ฑ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ญ๐ช๐ฎ๐ฑ๐ข๐ฌ-๐ญ๐ช๐ฎ๐ฑ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ฑ๐ช ๐ข๐บ ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ข๐ณ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐บ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐ช๐ด ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐ญ๐ถ๐ญ๐ถ๐ธ๐ข?
ang mga naghaharing-uri na pagmamay-ari na ang halos lahat,
nakikipag-agawan pa sa lupang kaisa-isang ikinabubuhayย
ng mga magsasaka at kanilang pamilya.
tila mga gahaman na hindi makuntento sa sariling kilo-kilong ani at bunga,
gusto pang kamkamin maging ang kakarampot na butilย
na tanging kayamanan ng mga maralita.
nagbabago man ang mukha ng mga nakaupoย
ay pare-pareho pa rin ng buntot.
ilang retoke man ang gawin,ย
hinding-hindi maitutuwid ang sistemang baluktot,
kung hindi lilipulin mismo ang maiitim na budhingย
matagal nang nananahan
sa katawan ng inang bayanย
na patuloy na pinagsasamantalahan.
๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข.
hindi nararapat lumuhod sa hirap ang mga magsasaka para lamang mabigyang-basbas sa lupaing hinablot lamang sa mga kamay nila.
Artikulo: Alessandra Reodique
Dibuho: Glaciane Kellyย








Comments