Mysteries in the Palace
Their hands tainted with red,
With the forgotten memoirs of the past,
They proceeded with the last step,
To go back to the palace.
Shouts of both glee and disappointment,
Were audibly heard.
When after years,
Their first steps on the palace were made.
Rejoicing with glee,
From people who forgot.
Disappointment did not flee,
From the eyes of those who can’t forget.
Colors rained on that place.
Some people lost their sense,
While streets are slowly painted with black,
The moment they ascended back.
The escalating problem continuously emptied,
The pockets of the people outside the palace.
Those seated on the throne, denied,
The calculations made by the ace.
Carriages has been free,
For those who can’t escape,
The incarcerating fee,
Of those who do not have a cape.
Those seated on the throne,
Emphasized freedom of expression,
Then, let the commoners' skills get honed.
While letting the professionals get tagged.
Wonders lingered on the people’s mind,
As the coronation day was held.
Will the shift of colors halt?
Or will the colors be spread back?
Siya
Kalat na sa buong baryo,
Ang kaniyang pagtakbo,
Mayroong natuwa,
Mayroong nagtaka.
“Hindi ba't may kaso ang kanilang pamilya?”
Umiling ang isa,
“Naku, mare, dala raw iyon ng pulitika,
Gawa-gawa ng ilan laban sa kanila.”
Sa dami na ng nakalimot,
Sa nakalipas na ilang taon,
Pighati'y nakaukit sa kanilang mga nagdusa,
Nakakalulungkot, na karamihan ay nakalimot na.
Matapos ang makasaysayang sandali,
Ngiti sa mga labi'y napawi.
Paano na ang mga inapi?
Mabibigyan pa ba ng hustisya ang mga nasawi?
Sa unang buwan ay nagmasid,
Ang hinaharap ay sinubukang isipin.
Anong pagbabago ang mangyayari sa paligid?
Ang hangin kaya'y biglang magbago ng ihip?
Patuloy na tumataas ang bilihin,
Mga bulsa'y patuloy na sumisikip,
Ngunit sabi niya, ito ay mali,
Ang ating datos ay hindi pa ganoon kagipit.
Sumunod na mga araw,
Isang balita ang lumabas,
Sina V at B ay pinapayagan,
Maglabas ng opisyal,
Eksklusibong balita,
Ukol sa kaniyang mga winika.
Muli, nagtalo ang mamamayan,
Dapat bang sila'y hayaang magbalita,
Gaya ng mga peryodista?
Ilang araw pa muli ang lumipas,
Idaraos ang unang wika sa mamamayan,
Matapos na siya'y itanghal,
Italaga sa trono.
Pagseserbisyo sa bayan ang napuna,
Sa mga planong inilatag.
Ani ng ilan,
Hindi nito madi-disiplina,
Yaong mga naligaw ng landas,
Baka pagmulan pa,
Nang kaliwa't kanang hidwaan.
Magpahanggang kasalukuyan,
Malakas pa rin ang alingawngaw,
Nitong mga kaganapan,
Nang maupo siya.
Illustration: Timothy Andrei M. Milambiling
Comments