
ang sabi nila, ang pakiramdam na mahalin
ang pinakamalapit sa langit.
pero sa tuwing minamahal ako, mas lalo akong lumulubog sa pinaka-ilalim. kahit gaano karami ang ibuhos ko para magpahila sa lahat ng kaya mong ibigay, wala akong tinatanggap.
wala na nga akong binabalik, nanghihingi pa ako ng sobra.
bakit mas pinaniniwalaan ko kapag sinasabi mong maganda ang buwan kaysa kapag pinapansin mo ang ‘kagandahan’ ko? tinitingala mo lang ang buwan, samantalang ako, katabi mo.
wala kasi akong pakpak. hindi ako isang anghel.
masakit nga ang pag-ibig na hindi binabalik. pero para sa hindi nagbabalik, makasalanan ang hindi pag-akyat sa langit.
Artikulo: Shannia Cabuello
Comments