top of page
Writer's pictureThe Communicator

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜€, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ฆ๐—— ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ

Bilang pagdiriwang ng International Studentโ€™s Day 2022, nakiisa ang mga Iskolar ng Bayan at mga mag-aaral mula sa ibaโ€™t-ibang unibersidad at organisasyon sa mob rally at inter-university assembly na ginanap sa loob ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at Liwasang Bonifacio noong Huwebes, Nobyembre 17.



Layon ng protesta ang patuloy na panawagan ng mga kabataan para sa Ligtas na Balik-Eskwela (LBE) at pagtutol sa Mandatory Reserved Officers Training Corps (MROTC).


Ayon kay PUP College of Communication Student Council President Ronjay-C Mendiola, patuloy silang umaaksyon patungkol sa usaping LBE at nakikiisa sa mga kinauukulan para tutulan ang budget cut sa mga state universities.


โ€œIsa sa mga rasyonale natin kung bakit natin tinututulan ang budget [cut] ay dahil hindi natin mamamaterialize nang maayos ang ligtas na balik-eskwela kung wala pong badyet si PUP. Nakikita naman natin 'yung problema pagdating sa mga facilities ng school na ginigiba and hindi maayos kaya paano natin ma-eensure sa mga students 'yung maayos na serbisyo kapag bumalik na sila sa pamantasan kung tatapyasan ng badyet ang PUP?โ€ ani Mendiola.


Bilang pakikiisa, nagsuot ang mga kabataan ng mga mala-aswang na kasuotan o hindi namaโ€™y itim na damit, isang metapora sa relasyon ng estado at mga mag-aaral.


Ayon naman kay PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM) President Kirchoff Angala, hindi lamang pagkilos sa PUP ang pagdiriwang ng ISD 2022, bagkus isa itong tanda ng pagkakaisa ng ibaโ€™t-ibang unibersidad sa Pilipinas upang labanan ang mga isyung kinakaharap ng sektor ng edukasyon kabilang na ang budget cut, LBE, at MROTC.


โ€œNgayon lang tayo makakapagtipon nang napakaraming mga estudyante since the onset of the pandemic kaya naman napakamakasaysayan ng araw na ito [...] lalo naโ€™t maraming naka-ambang krisis pagdating sa edukasyon, [...] budget cut, Ligtas na Balik-Eskwela, at Mandatory ROTC,โ€ ani Angala.


Aniya, mahalagang makilahok ang mga kabataan sa ganitong uri ng pagkilos dahil isa itong daan para ipaglaban ang karapatan ng mga mag-aaral para sa isang de-kalidad na edukasyon sa bansa gayundin ang paglaban na banta sa malayang pamamamahayag.


Ayon kay Anakbayan College of Communication (AB COC) representative Daniela Riego, malaking bagay ang pakikiisa ng mga kabataan sa ISD dahil naipaglalaban nila ang kanilang karapatan at kalayaan bilang mga estudyante.


โ€œNgayong idinaraos natin ang International Studentโ€™s Day, mahalagang nakikiisa tayo sa pag-giit ng ating mga karapatan at kalayaan bilang mga estudyante nang sa gayon makamit din natin 'yung makabayang porma ng edukasyon,โ€ saad ni Riego.


Nagsimula ang okasyon sa PUP University Avenue at nagpatuloy ito sa kahabaan ng Liwasang Bonifacio bandang alas-kwatro ng hapon, taliwas sa orihinal na planong gawin ang unity walk sa Mendiola dahil hindi makadaan ang mga nagpoprotesta matapos lagyan ng barikada ang kahabaan nito.


Sa kabilang banda, naging matagumpay naman ang paglakad sa Liwasang Bonifacio sa kabila ng mga hadlang sa maayos na daloy ng rally kagaya na lamang ng mga stoplights at mga sasakyang bumubusina na dahilan nang paghina ng sigaw at protesta ng mga mag-aaral.


Kabilang sa mga mag-aaral at mga institusyong nagbigay-partisipasyon sa protesta ay mula sa Far Eastern University (FEU), Philippine Christian University (PCU), PUP Alyansa ng mga Kabataang Mamamahayag (PUP AKM), at Anakbayan PUP.


Article: Chloe Ysabel Makasiar

Graphics: Cathlyn De Raya




Comments


bottom of page