#PUPulsoSaRehente: 20th PUP Student Regent Selection Happenings
- The Communicator
- 18 hours ago
- 11 min read
A year after the election of 19th Student Regent Michael Troy Cabangon under the newly institutionalized PUP Student Regent Selection Code, the search for the next Student Regent is once again underway. The next student representative will bear the mandate of carrying the voices and advancing the interests of more than 107,000 Iskolar ng Bayan within the Board of Regents (BOR), the highest governing body of the university.
As recorders of this transition, The Communicator documents every happening by the pulse.
SEE THE COMMUNICATOR'S X/TWITTER MASTER THREAD HERE:

MAY 30, 2026 | 8:04 PM - ANAK PUP releases SR selection calendar, First Semester Convention
𝗟𝗢𝗢𝗞 | Inilabas na ng Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (ANAK PUP) ngayong araw, Mayo 30, ang mga sumusunod na iskedyul para sa darating na First Semestral Convention ng ANAK PUP 26th Congress at pagpili ng susunod na ika-20 Student Regent ng pamantasan.
Inaprubahan ang naturang resolusyon sa huling araw ng Second Semestral Convention ng ANAK PUP 25th Congress noong Mayo 28.
| ulat ni Jannine Lagbawan
JUNE 15, 2026 | 4:31 PM - 176 valid nominations para sa ika-20 PUP Student Regent, naitala ng ANAK
𝗝𝗨𝗦𝗧 𝗜𝗡 | Nakapagtala ng 176 na 'valid nominations' ang Alyansa ng Nagkakaisang Konseho (ANAK) para sa paparating na seleksiyon ng ika-20 Student Regent ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP).
Halos anim na beses na mas mataas ito kumpara sa 28 nominasyon noong nakaraang taon.
"Isang makasaysayang pagtaas ito ng pakikilahok ng mga Iskolar ng Bayan," ani ANAK PUP matapos mabilang ang 180 kabuuang nominasyon, kung saan apat ang idineklarang invalid.
Binuksan ang nominasyon noong Hunyo 8 at isinara pagpatak ng 11:59 kagabi, Hunyo 14.
Paalala ng pederasyon, hindi katumbas ng bilang ng mga estudyanteng nominado ang kabuuang bilang ng mga nominasyong natanggap.
Ang Student Regent ang nagsisilbing opisyal na kinatawan ng sektor ng mga mag-aaral sa Lupon ng mga Rehente, ang pinakamataas na lupon ng pamamahala at paggawa ng polisiya sa unibersidad.
| ulat ni Ariane Claire Galpao

JUNE 16, 2026 | 1:17 PM - ANAK PUP reveals the 13 initial nominees for the 20th PUP Student Regency
𝗟𝗢𝗢𝗞 | The Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (ANAK PUP) revealed the 13 initial nominees for the 20th PUP Student Regent seat on Monday, June 15.
Sentral na Konseho ng Mag-aaral President JP Azusano led the list with 82 nominations, followed by College of Communication Student Council President Alvin Aligam with 38 nominations, and PUP Quezon City Supreme Student Council President Louisze Louriel Valeroso with 30 nominations.
The deadline for nominees to accept or decline their nomination is June 22, followed by the same-day announcement of the official list of nominees.
According to Article X, Section 1 of the PUP Student Regent (SR) Selection Code, acceptance must be submitted via Google or Microsoft Forms and email, as directed by the Search Committee.
To decline a nomination, the nominee must submit a formal letter to the committee detailing their reasons, per Section 5 of the same article. The committee will then forward this letter to the entity that issued the nomination.
This year saw an increase in initial nominees compared to the eight recorded in the previous 25th ANAK PUP Congress.

JUNE 20, 2026 | 8:23 PM - SHO President Steven Viaje, OUS President Danielle Santiago declines their Student Regency nominations
𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | The Polytechnic University of the Philippines (PUP) Senior High School Organization (SHO) President Steven Viaje and Open University System Student Council (OUS SC) President Danielle Santiago declined their nominations for the 20th PUP Student Regency today, June 20.
Viaje, the first among the initial nominees to decline, called on PUP administration, fellow Iskolar ng Bayan, student leaders, and future nominees to heed the collective voice of the student body in a Facebook post.
Meanwhile, Santiago, who followed suit, underscored the need to focus on addressing student concerns within OUS while reaffirming the importance of an inclusive, pro-student, and people-oriented Student Regent.
As of writing, 11 nominees have yet to decide whether to accept their nominations and have until June 22 to signify their decision.
| via JL Estrella Pablico

JUNE 21, 2026 | 2:08 PM - CTHTM President Roman Tongco, tinanggihan ang nominasyon sa pagkarehente
𝗝𝗨𝗦𝗧 𝗜𝗡 | Pormal na tinanggihan ni PUP College of Tourism, Hospitality, and Transportation Management (CTHTM) Student Council President Roman Iñigo Tongco ang kaniyang nominasyon para sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ngayong araw, Hunyo 21.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Tongco na mas pinili niyang ilaan ang kaniyang oras at lakas sa pag-oorganisa at paglilingkod sa mga estudyante ng CTHTM sa gitna ng mga usaping kinahaharap ng pamantasan at ng sektor ng edukasyon.
Binigyang-diin din niya ang paninindigan laban sa imperyalismo at ang pagtutol sa National Polytechnic University (NPU) Bill na aniya'y nagpapahirap sa mga Iskolar ng Bayan. Kasabay nito, hinimok niya ang susunod na Rehente na unahin ang kapakanan ng mga estudyante.
Samantala, mayroon na lamang hanggang bukas ang natitirang 10 inisyal na nominado sa pagkarehente upang magpasya.
| ulat ni Ariane Claire Galpao

JUNE 21, 2026 | 8:02 PM - PUP Talisay CSC President Pauline Kael Lemus, tinanggihan ang nominasyon sa pagkarehente
𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | Tinanggihan ni PUP Talisay Central Student Council President Pauline Kael Lemus ang nominasyon bilang ika-20 Student Regent ngayong araw, Hunyo 21.
Sa isang Facebook post, nilinaw ni Lemus na hindi ito pag-atras sa laban kundi pagpapasya na gampanan ang kaniyang kasalukuyang tungkulin nang may integridad.
Kasabay nito, kinuwestiyon din niya ang isinusulong na National Polytechnic University (NPU) Bill. Aniya, kongkretong benepisyo sa komunidad ang pangunahing usapin at hindi ang pagpapalit ng titulo ng pamantasan habang nananatili ang kakulangan sa pondo, pasilidad, at serbisyo.
Samantala, mayroon na lamang hanggang bukas ang natitirang siyam na inisyal na nominado para magpasya.
| ulat ni Angela Sorsano

JUNE 21, 2026 | 10:33 PM - PUP Santo Tomas CSC President Edwil Grae Zapata, tinanggihan ang nominasyon sa pagkarehente
𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | Tinanggihan ni PUP Santo Tomas Central Student Council President Edwil Grae Zapata ang kaniyang nominasyon para sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral ngayong araw, Hunyo 21.
Sa pahayag na inilabas niya sa Facebook, sinabi ni Zapata na napagpasyahan niyang hindi tanggapin ang nominasyon upang ituon ang kaniyang panahon sa mga responsibilidad bilang estudyante, lider-kabataan, at miyembro ng kaniyang pamilya, kabilang ang paghahanda para sa ladderization examination.
Binigyang-diin din ni Zapata na ang tunay na paglilingkod ay hindi nasusukat sa taas ng posisyon kundi sa lalim ng pananagutan. Aniya, hindi niya kailangan ng titulo upang patuloy na magsilbi at ipaglaban ang kapakanan ng mga estudyante.
Kasabay nito, nanawagan siya para sa pagpili ng isang Student Regent na magiging tunay na boses ng mga Iskolar ng Bayan, maninindigan laban sa aniya’y “bogus” na National Polytechnic University (NPU) Bill, at mananatiling nakaugat sa masa.
Samantala, walo na lamang sa mga natitirang inisyal na nominado ang hindi pa nagpapaabot ng kanilang pinal na pasya hinggil sa kanilang nominasyon para sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral.
| Ulat ni Miguel San Agustin

JUNE 22, 2026 | 8:31 AM - PUP QC CSC President Louisze Louriel Valeroso, tinanggap ang nominasyon sa pagkarehente
𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | Unang kumasa sa hamon ng nominasyon para sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas si PUP Quezon City Supreme Student Council President Louisze Louriel Valeroso kahapon, Hunyo 21.
Mula sa mga nagdaang taon, siya rin ang unang pangulo ng naturang konseho na tumanggap sa nominasyon ng pagkarehente. "[Ito] ay hindi lamang usapin ng representasyon, isa itong pagkakataon upang mas palakasin ang boses ng mga estudyante," ani Valeroso sa isang Facebook post.
Kalakip ang isang bidyo sa post, inihayag ni Valeroso ang kaniyang pagtanggap kasabay ng panawagang isulong ang karapatan ng kababaihan at ng sangkaestudyantehan, gayundin ang paglaban sa aniya'y karahasan at represyon sa loob ng pamantasan.
Tinalakay din niya ang mga bitbit na isyu ng mga Iskolar ng Bayan gaya ng mataas na gastusin, kakulangan sa pasilidad, at limitadong serbisyong pang-estudyante, habang nananawagan para sa tunay na demokratikong karapatan ng mga mag-aaral.
| ulat ni Ariane Claire Galpao

JUNE 22, 2026 | 8:44 AM - PUP COC SC President Alvin Aligam, tinanggap ang nominasyon sa pagkarehente
𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | Pangalawang sumabak si PUP–College of Communication Student Council (COC SC) President Alvin Aligam sa pagtanggap sa nominasyon para sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral, ngayong araw, Hunyo 22.
Mula sa mga nagdaang halalan, siya rin ang unang pangulo ng naturang konseho na tumanggap sa kandidatura ng pagkarehente matapos makapagtala ng 38 nominasyon.
Sa kaniyang inilabas na bidyo, binanggit ni Aligam ang ilang mga suliraning nararanasan sa COC tulad ng hindi sapat na bilang ng mga silid-aralan para sa higit tatlong libong estudyante rito, gayundin ang ilang beses na pagkaantala sa konstruksyon ng bagong Mass Communication Building. Kabilang din sa mga nabanggit niyang isyu ang NPU Bill at ang patuloy na pag-iral umano ng polisiya sa dress code sa ilang mga kolehiyo sa unibersidad.
Aniya, “Ang natanggap nating mga nominasyon… ay hindi lamang pagkilala sa mga hamong kinakaharap ng COC. Patunay rin ito na sistematikong krisis ang kinakaharap ng buong sangkaestudyantehan.”
Samantala, hanggang ngayong araw na lamang maaaring magpasya ang naititirang anim na inisyal na nominadong hindi pa nagsasapubliko ng kanilang desisyon hinggil sa kanilang nominasyon.
| ulat ni Earies Porcioncula

JUNE 22, 2026 | 3:41 PM - PUP CPSSA SC President Cherry Jhoana Ubani, tinanggap ang nominasyon sa pagkarehente
𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | Tinanggap ni PUP-College of Political Science and Public Administration Student Council (CPSPA SC) President Cherry Jhoana Ubani ang nominasyon para sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral ngayong araw, Hunyo 22.
Siya ang ikatlong opisyal na tumanggap ng nominasyon sa pagkarehente ngayong taon—mas mataas kumpara sa dalawang pinal na nominado noong nakaraang taon. Ito na rin ang ikalawang sunod na taon na may nominado mula sa naturang konseho.
Ayon sa kaniyang pahayag sa Facebook, ang buong-loob niyang pagtanggap ay hindi lamang pagkilala kundi paalala rin ng tiwalang ipinagkakaloob ng mga Iskolar ng Bayan sa kanilang mga kinatawan, maging ng mandatong ipinagkaloob sa kaniya ng komunidad ng CPSPA.
Binigyang-diin din ni Ubani ang kahalagahan ng tunay na representasyon sa loob ng pamantasan at iginiit na ang tunay na representasyon ay dapat maisalin sa mga proseso ng pagpapasya at manatiling nakaugat sa pangangailangan ng mga estudyante.
Kasabay nito, nagpahayag siya ng pagtutol sa National Polytechnic University (NPU) Bill, na aniya'y kailangang masusing busisiin at pag-usapan kasama ang sangkaestudyantehan.
| ulat ni Miguel San Agustin

JUNE 22, 2026 | 4:26 PM - PUP CAL SC President John Christian Ancheta, tinanggihan ang nominasyon sa pagkarehente
𝗝𝗨𝗦𝗧 𝗜𝗡 | Umatras sa nominasyon para sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas si PUP-College of Arts and Letters Student Council (CAL SC) President John Christian Ancheta ngayong araw, Hunyo 22.
Sa kaniyang pahayag sa Facebook, resulta aniya ito ng "masusing pagninilay" upang magbigay ng pagkakataon para sa mga bagong lider na magdadala ng sariwang perspektiba sa posisyong kakatawan sa daan-libong mga Iskolar ng Bayan.
Ayon sa kaniya, nahaharap ang PUP sa isang mahalagang yugto ng kasaysayan sa gitna ng mga usapin sa kakulangan sa badyet, pasilidad, at kapakanan ng mga estudyante at manggagawa. Saad ni Ancheta, tungkulin ng mga estudyante na maging kritikal at tiyaking nagsisilbi sa interes ng komunidad ang anumang panukala o pagbabago sa pamantasan.
Matapos ang tatlong taon ng paglilingkod sa kaniyang konseho, tiniyak naman ni Ancheta na hindi nagtatapos sa isang nominasyon o posisyon ang kaniyang krusada para sa paaralan.
Sa kabuuan, siya ang pampitong inisyal na nominado na humindi sa kandidatura, at pangsampung nagdesisyon. Tatlong lider-estudyante na lamang ang hindi pa nagsusumite ng kanilang pasya hinggil sa nominasyon para sa pagkarehente na hanggang ngayong araw na lamang ang palugit.
| ulat ni Rhada Amarila

JUNE 22. 2026 | 8:05 PM - PUP ITech SC President John Ivan Nicolas at PUP CCIS SC President John Loyd Antoc, tinanggihan ang nominasyon sa pagkarehente
𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | Tinanggihan nina PUP Institute of Technology Student Council President John Ivan Nicolas at PUP College of Computer and Information Sciences Student Council President John Loyd Antoc ang kanilang mga nominasyon para sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), ayon sa magkahiwalay nilang pahayag na inilabas ngayong Lunes, Hunyo 22.
Ayon sa pahayag ni Nicolas, mas kinakailangan niyang ituon ang kaniyang lakas at panahon sa pagsusulong ng mga kampanyang direktang nakaaapekto sa mga estudyante, partikular sa mga Diploma student.
Binigyang-diin niya ang pangangailangang tugunan ang mga suliraning kinahaharap ng mga Diploma student, kabilang ang mga usapin kaugnay ng ladderization at mga polisiyang aniya’y humahadlang sa pag-abot ng mas mataas na antas ng edukasyon.
Kasabay ng kaniyang pagtanggi sa nominasyon, muling iginiit ni Nicolas ang panawagang “Fix the Ladder,” na naglalayong isulong ang isang mas makatarungan at maka-estudyanteng sistema ng ladderization para sa mga Diploma student.
Samantala, sinabi naman ni Antoc na pinili niyang tanggihan ang nominasyon upang ituon ang kaniyang mga pagsisikap sa mga lokal na kampanya sa loob ng College of Computer and Information Sciences (CCIS), kabilang ang panawagang buwagin ang sentralisadong Departmental Examinations (Deptals).
Ayon kay Antoc, nasa mahalagang yugto ang kampanya laban sa deptals sa CCIS, na aniya’y nananatiling tanging kolehiyo sa PUP na nagpapatupad ng naturang sistema sa kabila ng kawalan ng licensure examination para sa mga programa nito.
Tinalakay rin ni Antoc sa kaniyang pahayag ang kaniyang pagtutol sa National Polytechnic University (NPU) Bill at ang panawagang isulong ang makamasang edukasyon at pambansang industriyalisasyon.
Sa kabila ng kanilang pagtanggi sa nominasyon, kapwa iginiit nina Nicolas at Antoc ang pagpapatuloy ng kanilang pagsusulong ng mga kampanyang nakatuon sa kapakanan at karapatan ng mga estudyante sa kani-kanilang sektor.
| ulat ni Ariane Claire Galpao

JUNE 22, 2026 | 11:17 PM - PUP COED SC President Permarie Lacava, tinanggihan ang nominasyon sa pagkarehente
𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | Tinanggihan ni PUP College of Education Student Council (COED SC) President Permarie Lacava ang nominasyon para sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, ayon sa kaniyang pahayag sa Facebook ngayong Lunes, Hunyo 22.
Pinili niya umanong gampanan ang sinumpaang mandato na magsilbi sa mga kapwa niya Iskolar ng Bayan sa lokal na kolehiyo, bagay na hindi raw usapin ng kapasidad o kakayahang kumatawan sa buong sangkaestudyantehan.
Hindi rin niya binalak na tumakbo sa naturang posisyon sa kabila ng pagkakaroon ng tsansang maging nominado bilang pangulo ng isang student council.
“Beyond meaningful events/programs, we stood beside our constituents, garnering grievances, and helping out our IsCOEDs who are in need, making sure that no IsCOED is left behind,” saad ng lider-estudyante sa kanyang pahayag.
Nabanggit din ni Lacava na marami pang nakalatag na plano ang kaniyang konseho para sa komunidad ng kaniyang kolehiyo.
Bagaman walang naging pagbanggit sa National Polytechnic University (NPU) Bill sa kaniyang opisyal na pasya hinggil sa nominasyon, kumpara sa inilabas na pahayag ng ibang inisyal na nominado, matagal na niyang kinokondena ang nasabing panukala.
| ulat ni Elijah Pineda

JUNE 23, 2026 | 1:31 AM - PUP SKM President JP Azusano, tinanggap ang nominasyon sa pagkarehente
𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | Pinakahuling nagsapubiklo ng kaniyang pagtanggap sa nominasyon para sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas si PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM) President JP Azusano, ayon sa inilabas niyang pahayag nitong Lunes, Hunyo 22.
“[K]asama ang kaakibat na bigat ng responsibilidad na magsilbi sa mga estudyante at mamamayan, ay upuang buong puso at ubos-lakas kong handang okupahin,” ani Azusano sa kaniyang bidyong inilabas mahigit isa't kalahating oras bago matapos ang araw.
Binigyang-diin din ng lider-estudyanteng nakakuha ng 82 nominasyon ang pangangailangang itaguyod ang kapakanan ng mga estudyante sa harap ng mga usaping kinahaharap ng pamantasan, kabilang ang kakulangan sa mga pasilidad, pondo sa mga iskolar-atleta, "banta ng komersialisasyon at pribatisasyon ng edukasyon...[maging sa] akademikong kalayaan at demokratikong karapatan."
Mahalaga rin aniya ang pagdadala ng mga hinaing at panawagan ng mga Iskolar ng Bayan sa mga espasyong gumagawa ng mahahalagang desisyon para sa paaralan.
Si Azusano ang sunod na SKM President na tumakbo sa pagkarehente matapos magwagi at maupong Student Regent ang dating SKM President na si Miss Kim Modelo noong 2024.
| ulat ni Ariane Claire Galpao

JUNE 27, 2026 | 8:00 AM - The 4 Official Nominees for 20th PUP Student Regent
𝗟𝗢𝗢𝗞 | Marking the first time since the 22nd Congress of the Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (ANAK PUP), four official nominees are vying for the 20th PUP Student Regent post.
The official slate includes the top four initial nominees who garnered the most nominations: JP Azusano (SKM President), Alvin Aligam (COC SC President), Louisze Louriel Valeroso (PUP QC SSC President), and Cherry Jhoana Ubani (CPSPA SC President).
This year’s selection has doubled the candidate count from the 24th and 25th congresses, which only saw two nominees advance to the official slate.
In accordance with the PUP Student Regent Selection Code, the 10-day campaign season is currently underway and will run until July 2, following the nominees' official acceptance of their candidacy last June 22.




Comments