top of page

๐—”๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—บ, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด โ€œ๐˜‚๐—ป๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ผ๐—น๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฑ ๐˜€๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€โ€ ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ข๐—– ๐—ฆ๐—– ๐˜€๐—ฎ โ€˜๐Ÿฎ๐Ÿฐโ€“โ€˜๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—”๐˜‚๐—ฑ๐—ถ๐˜ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜€ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜

  • Writer: The Communicator
    The Communicator
  • 4 days ago
  • 2 min read

Binigyang-linaw ni COC Student Council (COC SC) President Alvin Aligam ang dahilan sa likod ng "unresolved statements" ng konseho sa Final Audit Status Report para sa Fiscal Year 2024โ€“2025 na inilabas ng PUP Student Council Commission on Audit (PUP SC COA) noong Hulyo 24.



Sa panayam ng The Communicator, ipinaliwanag ni Aligam na naresolba na ang lahat ng kakulangan sa dokumentasyon ng konseho mula pa sa termino ng dating COC SC President na si Tracy Ramos. Mariin din niyang sinabi na aktibo silang nakipag-ugnayan sa mga project head ng โ€œARTIBISMO 2025: Pintig ng Bawat Pusong Naghihimagsikโ€ at โ€œDefying Gravity: Bridging Unity and Empowerment โ€“ PUP COC General Assemblyโ€ noong Enero 28, 2025โ€”dalawang kaganapang nagkaroon ng isyu kaugnay ng venue fees.


Ayon kay Aligam, ilan sa mga naging dahilan ng mabagal na pagproseso ng mga dokumento ay ang sunod-sunod na kanselasyon ng klase at ang ipinatupad na four-day work week sa pamantasan. Dagdag pa niya, nahirapan din silang makipag-ugnayan sa ilang mga naging bahagi ng dalawang programa, kaya umabot sa dalawa hanggang tatlong buwan ang pag-aasikaso ng mga kinakailangang dokumento.


Nagpasa rin ang konseho ng promissory note sa PUP SC COA upang ma-audit ang mga nagastos sa ARTIBISMO 2025 at General Assembly. Aniya, aktibo rin silang nakipag-ugnayan at nakipagpulong sa PUP SC COA upang matugunan ang mga kinakailangang resolbahing isyu.


Sa kabila nito, sinabi ni Aligam na iilang teknikalidad na lamang sa mga dokumento ang kailangang ayusin upang tuluyang makumpleto ang financial report ng konseho.



Dagdag pa niya, umaasa silang magkaroon na ng pagpupulong ang PUP Student Council Assembly (PUP SCA) at mga konseho upang talakayin ang mga hindi pa nareresolbang isyu, gayundin ang kalagayan ng ilang konsehong hindi pa nakapagsusumite ng kanilang financial statements.


Isa ang COC SC sa 11 konsehong may unresolved statements, habang tatlong konseho naman, kabilang ang Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM), ang hindi pa nakapagsusumite ng kanilang financial statements.



Article: Jannine Lagbawan

Graphics/Illustrations: Jannine Lagbawan


Comments


  • White Facebook Icon
  • Twitter
  • Instagram

THE COMMUNICATOR

2/F Lobby, College of Communication Bldg., NDC Compound, Anonas St., Sta. Mesa, Manila, Philippines 

PUP COC The Communicator ยฉ 2022

bottom of page