Ang pagtatapos ay isang yugto sa buhay ng isang mag-aaral na pinakaaabangan. Dito ipinagdiriwang at ipinagpupugay ang lahat ng pinagdaanan sa ilang taon ng pag-aaral. Kumbaga, chapter closed. Ngunit paano mo maisasara ang isang kabanata kung sa mismong pagtatapos, tila kailangan mo pang itanong “para kanino ba talaga ito?”. Paano mo isasara ang isang yugto kung sa proseso pa lamang ng aplikasyon para sa graduation, samu’t saring isyu na ang kailangang harapin ng graduating s