Nagsagawa ng isang talakayan ang Rise for Education - College of Communication (R4E-COC) ng isang pagtitipon, āLavarn Sa Usapang KataTALKutan!: COMMpanya COMMTra Budget Cut at MROTC,ā bilang panawagan laban sa mungkahing Budget Cut at isyu ng Mandatory ROTC (MROTC) noong November 11, 6:00 pm sa kanilang opisyal na Facebook Page.
Ipinagdiwang ng R4E ang buwan ng katatakutan sa pamamagitan ng isang talakayan kasama ang mga indibidwal, organisasyon, at konseho ng COC upang ipakita ang kanilang pagkakaisa.
Pinangunahan ng Juan Gamalo, punong-abala ng programa, ang nasabing forum sa pamamagitan ng pagbibigay ng pambungad na pananalita.
Ayon kay Gamalo at R4E, ang itinalang ROTC ay isang pag-aaksaya ng pondo lalo na sa pagtaas ng mga bilihin at naka-ambang inflation rate. Iginiit niya na mas maraming pangangailangan ang sektor ng edukasyon na hindi napupunan dahil sa hindi pagtutok ng pamahalaan sa mga pang-akademikong pangangailangan.
Ipinaliwanag din ni Gamalo na ang pagbawas ng pondo sa unibersidad ay isang malinaw na dahilan sa kawalan ng pagpaplano para sa ligtas na balik-eskwela.
āBilang mga COCians at iskolar ng bayan, magsimula tayo na magsiyasat, mamulat, makinig, [at] ipaglaban ang mga nais nating panawagan at mga karapatan na dapat tinatamasa, hindi lamang ng mga kabataan kundi ng buong sambayanang Pilipino,ā panawagan ni Gamalo.
Nabigyan ng pagkakataon ang ibaāt-ibang organisasyon sa loob ng COC katulad na lamang ng Rise for Education COC, Viva Voce COC, The Communicator, DZMC-YCG, Anakbayan - COC, Kabataan Partylist, at SAMASA - COC na magbigay ng maikling talumpati patungkol sa kanilang pagsama at pagtindig laban sa karapatan ng edukasyon na āwalang bahid ng pananakot, pamamaluktot, at kurapsyon.ā
Matapos ang maikling programa ay nagbigay ng paanyaya si Gamalo sa buong COCians na makilahok sa kanilang aktibidad bilang pagdiriwang ng āInternational Student Day - Unity Walk against Budget Cut at MROTCā na gaganapin sa Mendiola Peace Arch sa Nobyembre 17.
Graphics: Cathlyn de Raya
Comentarios