top of page

BALITA | Mga isyung panlipunan, paksa ng 14th PLB film showing

Writer's picture: The CommunicatorThe Communicator

Kamulatan sa mga panlipunang isyu.


Ito ang naging paksa ng isinagawang 14th Pandayang Lino Brocka Film Showing sa audio-visual room ng Polytechnic University of the Philippines College of Communication, Nobyembre 23 at 24.




Pinangasiwaan ng MULAT Documentary Guild at Film Aficionados Circle (FilAC) ang palatuntunan sa pakikipagtulungan ng Tudla Productions na layong maipalabas sa iba’t ibang pamantasan ang mga pelikulang tumatalakay sa mga suliranin ng bansa.


Ayon kay Adelbert Abrigonda, pangulo ng FilAC, hakbang ang programang ito upang magkaroon ng kaalaman ang bawa’t mag-aaral sa mga isyung panlipunan at upang kilalanin ang mga pelikulang ginawa ni Catalino Ortiz Brocka, na mas kilala bilang Lino Brocka.


“To commemorate our national artist, Lino Brocka, at para imulat ang mga future journalists at filmmakers on how we can use art to impart information and knowledge about certain [topics] like political topics and to put that in a film for change,” ani Abrigonda.


Pinaalalahanan din ni Abrigonda ang mga mag-aarál na dumalo sa film showing na tumulong sa pagpuksa ng “fake news” at paglipana nito.


Pinasalamatan naman ni MULAT Documentary Guild President Jingky Vilar ang FILAC at Tudla Productions sa pagkakataong ibinigay sa kanila na makibahagi sa programang ito.


“It was an eventful day for both FilAC and MULAT [Documentary Guild] dahil ito ang first partnership namin kasama sila at malaking oportunidad na makasama ang Tudla [Productions] na maabot ang kanilang mga adhikain sa ating lipunan.”


Kilala ang direktor na si Lino Brocka sa paggamit ng mga paksang sumasalamin sa suliraning dinaranas ng pangkaraniwang Pilipino na umani ng mga pagkilala mula sa iba't ibang bansa.


Artikulo ni: Justin Tee

Grapiks: Criselda Lizada

Larawang kuha ni: Rochelle Bautista


Comments


bottom of page