Sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution I, inaalala ang paglaya ng ating bansa mula sa diktadurya ng administrasyon ni Marcos Sr. na walang habas na pinatahimik ang midya at tinapakan ang karapatan ng mga Pilipino. Sa pag-alala ng kaganapang ito, hanggang saan ang kayang gawin ng mamamayang Pilipino upang sugpuin ang manlulupig na patuloy na nanggigipit sa masa?
๐๐น๐ฎ๐ฏ ๐ป๐ด ๐ฝ๐๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ฑ๐ถ๐ฏ ๐บ๐ผ'๐ ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐. Ang kaganapan ng EDSA People Power Revolution I ay bunga ng sama-samang alab ng mga mamamayang naghangad ng tunay na kalayaan. Sa bansang sumasailalim sa panibagong administrasyong Marcos, kung saan patuloy na ginigipit ang sambayanan ng 8.7% na inflation rate, krisis sa transportasyon, paninikil sa malayang pamamahayagโgaya ng pagkakakulong kay Frenchie Mae Cumpio, isang Tacloban-based community journalist, sa pagdukot sa mga labor rights activists na sina Dyan Gumanao and Armand Dayohaโat importasyon na ginigipit ang mga magsasaka. Ang masidhing damdamin na iwaksi ang opresyon ay marapat na mamayani at muling mag-alab sa bawat mamamayang Pilipino. Sapagkat, kung kolektibo ang panawagan ng masa gaya ng nangyari sa EDSA, makakamit ang minimithi nating tunay na progresibo, demokratiko, at malayang bayan.
๐๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด, ๐ฑ๐๐๐ฎ๐ป ๐ธ๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด. Noong EDSA People Power Revolution I, walang nakapigil sa kagitingan ng mga mamamayang iwaksi ang panggigipit ng Martial Law, kahit pa ang kanilang kalaban ay may mga bitbit na armas. Sa panahon na ang armas na itinitutok sa opresadong estado ay hindi man makita ng karamihan, may mga kababayan pa rin tayong patuloy na tumitindig. Taglay nila ang diwa ng aktibismo upang maging boses ng mga kapwa natin mamamayan na walang boses. Inaatake man ng mga awtoridad kagaya ng naganap sa programa ng Tulong Kabataan Sta. Mesa kung saan armadong pinigilan ang programang para sa kabataan ng Valencia St., nanatili pa rin ang diwa ng mga volunteer upang magsilbi sa bayan at itaguyod ito laban sa pasismong sistema.
Dagdag pa rito ang mga pagkakataong hindi malinaw kung sino nga ba ang tunay na pinaglilingkuran ng batas, gaya ng sinapit ni Kian Loyd Delos Santos sa ilalim ng extrajudicial killing (EJK) noong administrasyong Duterte. Kamakailan lamang ay isiniwalat ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun, na hindi maayos na sinuri ng mga awtoridad ang katawan ni Kian. Isang senyales kung gaano kawalang-pakialam ang mga awtoridad sa pagtataguyod ng karapatang-pantao ng bawat mamamayan at isang kaganapang kumukwestiyon din sa kung sino nga ba ang tunay na pinoprotektahan at pinagsisilbihan nila. Ang gobyerno o sambayanang Pilipino?
๐๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ถ๐๐ฎ, ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ ๐บ๐ฎ'๐ '๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ถ๐น๐ถ๐บ. Ang EDSA People Power Revolution I ang nagmulat sa mamamayang Pilipino upang kumilos at umalsa sa pamamagitan ng tunay na pagkakaisa. Sa kasalukuyang panahon, papayag ba tayong muling magpasakop sa dilim ng opresyong patuloy na iniinda ng ating bayan? Kailangan nating itaguyod ang liwanag upang hindi tuluyang masakop ng dilim ang mga karapatang marapat lamang na matamasa ng bawat Pilipino.
Ang pagbabalik-tanaw sa EDSA People Power Revolution I ay isang paalala na bilang Pilipino, may tungkulin tayong alamin ang pansarili nating karapatan, manindigan sa tama, maging boses ng sambayanan, at maging tanglaw ng ating sariling bayan. Panatilihin ang kinang ng bituin at araw na sumisimbolo sa dugo at pawis na inalay ng ating mga kababayan upang iwaksi ang mga opresyong dulot ng Martial Law.
๐ช๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ฏ๐๐ฏ๐๐๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ'๐๐ผ. Hihintayin pa ba nating may makitil pang buhay ang mga panggigipit na dinaranas ng bawat Pilipino bago natin suriin at aralin ang lipunan? Kung ngayon nakikiusap ang ating bansa sa pamamagitan ng pagtatatak ng masalimuot na kasaysayan bago naganap ang rebolusyon, hindi pa rin ba natin ito didinggin?
๐ฆ๐ฎ ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ ๐บ๐ผ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ด๐ต๐ฎ๐. Kapag nakamtan natin ang minimithing progresibo, demokratiko, at malayang bayan, maaabot natin ang isang lipunang pantay na nasa ilalim ng langit ng bansang Pilipinas na bughaw.
Artikulo: Alexa S. Franco
Dibuho ni: Aira Shandy Dagohoy
Comments