𝗗𝗔𝗞𝗢𝗠𝗜𝗞𝗦 #𝟱𝟳 | From “Time’s up” to “It’s my time”
- The Communicator
- May 27
- 1 min read

Malakas ang pintig ng ulo, ilang oras na pagre-review ba naman ang ginawa n’yo.
Nababagabag ang inyong mga damdamin habang nagsasagot ng exam nang biglang humudyat ang proctor ng “Time’s up!”
Mula sa pagpasa ng answer sheet, pagbiyahe pauwi sa malayong probinsya, hanggang sa pagsapit ng alas-dose kung kailan lumabas ang resulta ng PUPCET—sa wakas, natanggap na rin ninyo ang isang email na katumbas ng pangarap, hindi lamang ninyong mga estudyante, kundi ng buong pamilya.
Isang malaking pagpupugay mula kay Daks para sa inyo, mga bagong Iskolar ng Bayan!
Oras n’yo na upang tahakin ang daan dito sa Sintang Paaralan patungo sa inyong mga pangarap.
Illustrator: Allaine Chesca Arcaya




Comments